dzme1530.ph

UdM college building, itatayo sa Tondo Maynila

Pinasinayaan na ng Manila LGU sa Tondo, Maynila ang ground breaking ceremomy para sa kauna-unahang gusali ng Universidad de Manila sa Tondo Maynila.

Ang nasabing seremoniya ay pinangunahan ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan, Vice Mayor Yul Servo, Cong. Rolando Valeriano at UDM Pres. Dr. Ma. Felma Tria.

Itatayo ito sa Barangay 101 sa Tondo na may sampung palapag na gusali na may lawak na 1,500-meter at inaasahan na matatapos sa huling quarter ng 2026.

Nasa P400-M na pondo ang inilaan sa pagpapatayo ng gusali na nagmula sa 2024 national budget.

Hiling ni Cong. Valeriano sa DPWH at contractor, kumuha ng mga trabahador na mula sa Tondo.

Ayon kay Mayor Lacuna, ang itatayong gusali ay mayroong 48 classrooms, 15 multi-function rooms, laboratory at multipurpose gymnasium.

Nagpapasalamat naman ang alkalde sa inisyatibo ni Cong. Valeriano kahit pa hindi nito sakop ang District 1, ay pinahalagahan pa rin nito ang lugar at mag-aaral.

Dahil sa bagong annex building, posible aniyang mas marami pang estudyante ang makapag-aral sa Universidad de Manila. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

 

 

About The Author