dzme1530.ph

Typhoon Hanna, nakalabas na ng PAR pero paiigtingin pa rin ang habagat 

Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Hanna kaninang umaga subalit patuloy pa rin nitong paiigtingin ang Southwest Monsoon o Habagat.  

Sa 11 a.m. bulletin ng PAGASA, magdadala ang Habagat ng paminsan-minsang pag-ulan sa western portion ng Luzon sa susunod na tatlong araw.  

Inaasahan ang pabugso-bugsong hangin at ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, southern portion ng Aurora, Zambales, Bataan, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Romblon, Marinduque, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian, Kalayaan, at Cuyo Islands, at malaking bahagi ng Calabarzon, Bicol, at Western Visayas.  

Sinabi ng PAGASA na dahil sa epekto ng Bagyong Hanna at Habagat, nakataas ang gale warning sa seaboards ng Northern Luzon, western at southern seaboards ng Luzon, at western seaboard ng Visayas. —sa panulat ni Lea Soriano 

About The Author