dzme1530.ph

TVJ, nangakong babawiin ang pangalang “Eat Bulaga” mula sa TAPE

Tiniyak nina Tito, Vic, and Joey na hindi nila isusuko ang pangalang “Eat Bulaga” dahil silang tatlo ang totoong may-ari ng brand.

Sinabi ni Vic na 44 years na minahal ang Eat Bulaga at mahigit kalahati ng kanyang buhay ang iginugol niya sa show, kaya hindi puwede na basta nalang ito aangkinin ng kung sinu-sino.

Idinagdag pa ni Vic na alam naman ng mga manonood kung ano ang legit sa hindi.

Binigyan diin naman ni Tito na nananatiling kanila ang rights ng “Eat Bulaga” habang kinikilala nito ang legal battle na kinakaharap nila ngayon sa TAPE incorporated.

Simula sa July 1 ay mapapanood na ang TVJ at iba pa nilang kasama sa kanilang bagong tahanan sa TV5 subalit hindi pa nila pinapangalanan ang kanilang show. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author