dzme1530.ph

Turismo ng Pilipinas, ipapakilala ng AirAsia sa buong mundo

Inihayag ni Capital A Group Chief Executive Officer Tony Fernandes na tutulong ang AirAsia na maipakilala sa buong mundo ang kagandahan ng Pilipinas.

Ayon kay Fernandez kung magagandang tanawin at magagandang pasyalan ang pag uusapan sa buong mundo, naniniwala ang AirAsia na isa ang Pilipinas na maipagmamalaking puntahan ng mga turista.

Anya bago pa man pumutok ang COVID-19 pandemic isa na ito sa kanyang pangarap na makilala ang kagandahan ng Pilipinas at mahikayat ang mga mga banyagang turista na mamasyal sa mga tourist spot na matatagpuan lamang sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Napahanga din ito dahil sa maayos at organisadong serbisyo ng flight operation sa NAIA Terminals kabilang na dito ang tamang oras ng pagdating at pag-alis ng mga eroplano sa paliparan.

Sa ngayon nasa 86% ang On-Time Performance (OTP) ng AirAsia sa lahat ng domestic at international flights.

Dagdag pa ni Fernandez bukod sa pagdagdag nila ng maraming ruta, plano rin ng AirAsia Chief na ilunsad ang ride-hailing sa Pilipinas na makatutulong para maka-avail ng murang pamasahe sa airport gamit din AirAsia super apps. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author