Kumita ang Pilipinas ng 4.2 billion dollars mula sa sektor ng turismo sa pamamagitan ng pagdagsa ng mga turista mula January 1 hanggang June 18.
Ayon kay Tourism Sec. Christina Frasco, mas mataas ito ng 0.48% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng Department of Tourism (DOT) hanggang July 30, nakapagtala na ang bansa ng kabuuang 3,473,726 international visitors. Sa bilang na ito, 3.15 million ay mga dayuhan, habang nasa 317,536 ang overseas Filipinos.
Ibinahagi rin ni Frasco na plano ng DOT na i-recalibrate o muling ayusin ang kanilang tourism targets ngayong taon, bilang tugon sa mga kinahaharap na hamon sa industriya.