dzme1530.ph

Tunay na ganda ng Pilipinas, makikita sa labas ng mga Lungsod

Inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na sa labas ng mga siyudad makikita ang tunay na ganda ng Pilipinas.

Sa inagurasyon ng tourist rest area sa Saud beach sa Pagudpud Ilocos Norte, inihayag ng pangulo na maganda ang Pilipinas kahit saan pa ito tingnan.

Gayunman, aminado si Marcos na hindi ito nagiging sing-ganda pagdating sa mga lungsod.

Tinukoy nito ang ilang magagandang pasyalan sa labas ng Metro Manila tulad ng Saud beach at Paoay sa Ilocos Norte, Baguio, at Cebu.

Kaugnay dito, iginiit ng pangulo na dapat gawing puhunan ang ganda ng Pilipinas.

Nanawagan din ito sa pakikipagtulungan ng lahat sa pagsusulong ng turismo at pagtitiyak ng ligtas, komportable, at hindi malilimutang paglalakbay.

About The Author