Iginiit ni Sen. Christopher “Bong” Go na hindi lamang dapat tuwing anibersaryo ng EDSA People Power nararamdaman at ginagawa ang tunay na diwa ng EDSA.
Ipinaalala ni Go na sadyang mahalaga sa pag-unlad ng bansa ang pagkakaisa dahil sa pagbubuklod-buklod anya ng mga Pilipino, mas mabilis na maaabot ang pagbabago at pag-unlad.
Idinagdag ng senador na kung nais ng lahat na umunlad ang bansa, dapat hindi lang tayo umaasa sa nakaraan dahil mas mahalaga kung paano ginagamit ang mga natutunan noon upang bumuo ng mas maayos na kinabukasan para sa bawat Pilipino.
Kahit aniya sa larangan ng serbisyong pampubliko, mas nagiging epektibo ang mga programa kung nagtutulungan ang gobyerno at ang mamamayan.
Binigyang-diin pa ng mambabatas na dapat hindi lang alalahanin ang aral ng EDSA kundi isabuhay kasabay ng pahayag na mahalaga ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.
Hinimok din niya ang mga Pilipino na gamitin ang diwa ng EDSA sa pang-araw-araw na pamumuhay, sa pamamamahala man sa gobyerno, sa mga hakbangin para sa komunidad o kahit sa personal na buhay.