![]()
Mahalagang alam ng gobyerno ang tunay na datos ng suplay ng bigas at iba pang agricultural products sa bansa partikular ang mga nakaimbak sa mga pribadong warehouses.
Reaksyon ito ni NFA Administrator Larry Lacson kaugnay sa kautusan ng Department of Agriculture na irehistro ang lahat ng agriculture storage facilities.
Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ni Lacson na mahalaga ang tamang datos para makatugon ng maayos ang gobyerno sa mga problema.
Aminado si Lacson na sa kanilang obserbasyon, may mga maling nangyari kaya’t kailangan makita ang tunay na lagay ng mga storage facilities.
