dzme1530.ph

Tumbado, hindi na kakasuhan ni Suspended LTFRB Chairman Guadiz

Hindi na kakasuhan ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairperson Teofilo Guadiz III ang kanyang Dating Executive Assistant na si Jeff Tumbado matapos itong humingi ng tawad sa kanya.

Ipinaliwanag ni Guadiz na sumama ang loob ni Tumabado nang ilipat niya ito ng puwesto dahil mayroon itong mga nakakaaway, kaya gumawa ito ng akusasyon ng katiwalian sa ahensya ng LTFRB, matapos mag-resign.

Idinagdag ng suspended official na pagkatapos ng pagbubunyag ni Tumbado ay tumawag ito sa kanya para humingi ng tawad at kasunod nito ang pagbawi o recantation sa mga ibinulgar na katiwalian sa ahensya.

Sa inilabas na statement ni Tumbado, sinabi niya na umaasa siya sa agarang paghilom sa mga pangyayari, kasabay ng paghingi ng pang-unawa sa publiko sa idinulot na eskandalo tungkol sa korapsyon sa LTFRB.

About The Author