dzme1530.ph

Tumatakbong Kapitana sa Navotas, arestado dahil sa Vote Buying

Inaresto ng mga tauhan ng Navotas City Police Station ang isang babae dahil umano sa Vote-Buying kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon sa Navotas Police, ang babae ay kumakandidatong Kapitana sa isang Barangay sa Malabon City.

Nahuli ito sa akto habang namamahagi ng sobre na may lamang pera na may kabuuang halaga na 363,000 pesos, para umano sa training ng mga Poll Watcher, sa isang warehouse sa Barangay San Jose, sa Navotas.

Nabatid na ang lahat ng nasa dalawandaang indibidwal na naabutan ng mga otoridad sa warehouse ay pawang registered voters ng Malabon.

Tiniyak naman ni Comelec Chairperson George Garcia na kakasuhan ang lahat ng mga sangkot sa vote-buying o vote selling.

—Ulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author