dzme1530.ph

Tumatagas na langis mula sa lumubog na M/T Terra Nova sa Bataan, kinumpirma ng PCG

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na may tumatagas na industrial fuel oil mula sa cargo tanks ng M/T Terra Nova na lumubog sa Limay, Bataan.

Sinabi ng PCG na ayon sa mga diver mula sa Harbor Star na kinontrata para tumulong sa operasyon, siyam na tank valves ang nagli-leak.

Nabatid na nasa 1.4 million liters ng industrial fuel oil ang karga ng mga tangke.

Inihayag ng Coast Guard na patuloy na mino-monitor ng Harbor Star divers ang siyam na barbula.

About The Author