![]()
Umapila si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla sa LEAD Joint House Committee Hearing, na bigyan pansin ang tumataas na unemployment.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, umakyat sa 5.8% ang walang trabaho sa bansa, o katumbas ng 2.96 million Filipinos.
Binigyan diin ni Revilla, chairman ng House Committee on labor and Employment na ang krisis ngayon ay hindi lamang usapin sa presyo ng gasolina o kuryente, kundi krisis na ramdam ng bawat Pilipino mula magsasaka, mangingisda, at mga manggagawa.
Umaasa ang mambabatas na ang pagdinig ay makakabuo ng konkretong hakbang at batas, para matiyak na walang sektor ang maiiwan.
Saad pa nito, kahit na magkaroon ng ceasefire sa US-Israel-Iran war, hindi agad manunumbalik ang supply at presyo ng enerhiya, kaya naman ang kapakanan ng mga manggagawa ang dapat na sentro ng policy discussions ng Kongreso dahil sila ang tunay na sandigan ng ekonomiya.
