dzme1530.ph

Tumataas na transnational problems, banta sa kapayapaan ng buong ASEAN Region —Pangulo

Maituturing na banta sa kapayapaan at kaayusan ng buong ASEAN ang tumataas na transnational problems.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ASEAN-Japan Summit sa Lao People’s Democratic Republic.

Sa kanyang intervention, partikular na tinukoy ng Pangulo ang unilateral actions sa East at South China Sea na patuloy na sumusubok sa kapayapaan ng rehiyon.

Kaugnay dito, dapat umanong patuloy na tumindig ang ASEAN leaders sa maritime security at kooperasyon, territorial integrity, disarmament, at paglaban sa pagpapakalat ng nuclear weapons.

Pinuri naman ni Marcos ang pag-suporta ng Japan sa ASEAN Centrality at pakikipagtulungan sa pamamagitan ng ASEAN Regional Forum, ASEAN Defense Ministers’ Meeting Plus, ASEAN Outlook on the Indo-Pacific, at Japan’s Free and Open Indo-Pacific. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author