dzme1530.ph

Tumaas pang bilang ng unfilled positions sa DA, pinuna ng senador

Kinuwestyon ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang sangkaterbang unfilled positions sa Department of Agriculture (DA).

Nagtataka si Villanueva kung bakit mula sa 3,451 unfilled positions sa DA noong 2021 ay umakyat ito sa 3,566 ngayong 2023.

Kasabay nito, pinuna ng senador ang kabuuang 5,765 job order at contract of service personnel ng ahensya.

Tanong ng mambabatas sa mga opisyal ng DA kung ano ang mararamdaman nila kung isa sila sa mga job order personnel.

Iginiit naman ni DA Undersecretary for Administration Jane Bacayo na nasa proseso na sila ng pag-fill up sa mga bakanteng posisyon at tiniyak na sa susunod na taon ay magkakaroon na ng mga dagdag na empleyado ang ahensya. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author