dzme1530.ph

TULUYANG PAGBASURA SA OIL DEREGULATION LAW, ISINUSULONG

Loading

ISINUSULONG ni Senate President Vicente Sotto III ang panukalang ganap na pagpapawalang-bisa ng Republic Act 8479 o ang Oil Deregulation Law upang ibalik sa pamahalaan ang kapangyarihang mag-regulate ng presyo ng langis sa bansa.

 

Sinabi ni Sotto na noong 1998 ay hindi siya bumoto pabor sa pagpasa ng Oil Deregulation Law at noong 2022 ay itinulak na niya ang pagrerepaso ng batas.

 

Iginiit ng senate leader na matagal na siyang tutol sa Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 na nagbukas sa malayang pagtatakda ng presyo ng mga kumpanya sa industriya ng langis.

 

Bago ang RA 8479, ang Energy Regulatory Board ang nagtatakda ng presyo ng produktong petrolyo batay sa pandaigdigang presyo ng langis at palitan ng dolyar, habang sinasalo ng Oil Price Stabilization Fund ang mga pagbabago upang maiwasan ang biglaang pagtaas o pagbaba ng presyo sa merkado.

 

Binigyang-diin ng senador na panahon na upang ibalik sa estado ang kapangyarihang pamahalaan ang presyo ng langis.

 

Sa gitna anya ng epekto ng tensyon sa Middle East sa presyo ng petrolyo, higit na kinakailangan ang transparency, masusing pagsusuri, at pagkakapare-pareho sa pagpepresyo.

About The Author