Muling binigyan ng diin ni Senador Christopher Bong Go ang pangangailangan na tuluyan nang palayasin sa bansa ang mga POGO.
Ito ay kung patuloy silang masasangkot sa kriminalidad at mambibiktima ng mga Pilipinong manggagawa.
Sinabi ni Go na kung nagdudulot lamang ng kaguluhan sa peace and order situation ng bansa ay pabor siyang tuluyan nang i-ban ang mga POGO.
Iginiit ng senador na hindi sasapat ang kakarampot na kita ng gobyerno sa POGO industry kung naglipana naman ang kriminalidad na dulot nito.
Ang pinakamahalaga anya ay ang pangangalaga sa kapakanan at seguridad ng mamamayang Pilipino na nagnanais lamang ng mapayapang buhay.
Sa ngayon ay dalawang rekomendasyon ang nakabinbin sa Senado kaugnay sa POGO operations.
Kabilang na dito ang rekomendasyon ng Senate Ways and Means Committee na tuluyan nang palayasin ang mga POGO habang ang iminumungkahi ng Senate Committee on Public Order ay istriktong regulasyon lamang.
Sa pagbabalik ng sesyon ay babalangkas ang Senado ng iisang stand kaugnay sa POGO na isusumite sa Malakanyang. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News