Nanindigan si Manibela President Mar Valbuena na patuloy pa rin silang mag-o-operate dahil hindi nila kinikilala ang pagkansela sa kanilang mga prangkisa.
Sa gitna ito ng panghuhuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga jeepney na hindi pina-consolidate bilang bahagi ng PUV Modernization Program ng pamahalaan.
Ikinatwiran ni Valbuena na mayroon pa silang nakabinbing petisyon sa korte suprema para kwestiyunin ang pagkansela sa mga prangkisa, pati na ang PUV Modernization Program.
Iginiit ng Manibela President na dapat ay hiningi muna ng LTFRB ang approval ng Kongreso bago kinansela ang prangkisa ng libo-libong jeepney sa buong bansa.