Tiniyak ng Philippine Embassy sa Israel na magpapadala sila ng tulong sa overseas Filipino worker (OFW) na naapektuhan ng missile strikes sa Israel.
Nakaligtas ang OFW mula sa missile strikes matapos itong magtago sa isang shelter.
Dahil nasira ang bahay ng Pinay matapos tamaan ng bomba, inilipat ito sa isang hotel sa Tel Aviv.
Inihayag ng Embahada na magpapadala sila ng assistance at psychosocial support para tulungan ang OFW sa mga susunod na araw.
Pinayuhan din ang mga Pilipino sa mga apektadong lugar na lumikas muna sa shelters o sa iba pang protected spaces, kapag mayroong missile alert upang matiyak ang kanilang kaligtasan.