Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na madaliin ang pagbibigay ng tulong sa mga retailer na maaapektuhan ng itinakdang mandated price ceiling sa bigas.
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, inutusan sila ng Pangulo na gamitin ang kanilang sustainable livelihood program upang alalayan ang rice traders at retailers.
Sinabi ni Gatchalian na gagamitin nila ang mandatong “capital build-up” ng programa, dahil sigurado umanong ang kapital ng mga negosyante ang maaapektuhan.
Nilinaw naman ng DSWD Chief na tanging ang maliliit na trader at retailer lamang ang makatatanggap ng assistance.
Una nang sinabi ng Pangulo na maglalabas ang DTI at DA ng listahan ng rice traders at retailers na mabibigyan ng tulong.
Epektibo na ngayong araw ng martes ang P41 na mandated price ceiling sa kada kilo ng regular milled rice, at P45 per kilo sa well-milled rice. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News