dzme1530.ph

Tulong ng pamahalaan para sa mga rice farmer, siniguro ni Romualdez

Siniguro ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez sa mga magsasaka ng palay ang maayos na tulong mula sa pamahalaan para maibsan ang kanilang agam-agam sa epekto ng ibinabang taripa sa inaangkat na bigas.

Ayon kay Romualdez, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagsasabi na hindi nito pababayaan ang mga lokal na magsasaka dahil sila ang susi ng food security ng bansa.

Ginarantiyahan naman nina Congressman Mark Enverga at Congressman Zaldy Co na hindi makakapinsala sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ang pagbaba sa 15% taripa sa imported rice.

Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chairmen Mark Enverga na may sapat na pondo ang RCEF sa buong 2024.

Sinisikap din ng Kamara na mapalawig pa ang RCEF na mapapaso ngayong taon, at itaas sa P15-billion ang pondo mula sa kasalukuyang 10-billion pesos.

Sa datos na inilabas ng Bureau of Custom, as of June 2024 umabot na sa 22-billion pesos ang koleksyon sa taripa sa bigas at madaragdagan pa ito hanggang sa matapos ang taon.

Siniguro din ni Cong. Co, na sa 2024 General Appropriations Act, may pondong nakalaan para sa Contract Farming ng National Irrigation Administration (NIA) na makakapag produce ng 200,000 metric tons ng bigas para sa 29 pesos per kilo sa mga Kadiwa stores.

About The Author