dzme1530.ph

Tulak ng iligal na droga sa Taguig, timbog sa buy bust operation

Kalaboso ang isang tulak ng iligal na droga matapos itong maaresto sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Taguig City Drug Enforcement Unit sa Maguindanao St., Purok 2, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Norhaya Sangkupan, 45 taong gulang.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang walong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na aabot sa 30 gramo na tinatayang aabot sa ₱204,000.00 ang halaga nito at buy bust money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangerous drug act of 2002.

Ayon kay SPD Chief director PBGen Kirby John Brion Kraft, ang matagumpay na operasyon at pag-aresto sa mga suspek na sangkot sa illegal activities ay patunay lamang ng dedikasyon at pagsusumikap ng PNP upang matiyak ang kaligtasan ng publiko. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author