dzme1530.ph

TUCP Partylist isinusulong ang ₱7K PERA para sa gov’t employees

Loading

Sa paggunita ng National Government Employees Week ngayong unang linggo ng Disyembre, isinulong ng TUCP Partylist ang House Bill 6537 o PERA Bill.

Layunin ng panukala na gawing permanenteng batas ang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) para sa mga kawani ng gobyerno.

Ayon kay House Deputy Speaker at TUCP Partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza, mula sa kasalukuyang ₱2,000 PERA monthly allowance itataas ito sa ₱7,000, magkakaroon ng automatic inflation adjustment base sa itatakda ng DBM, at titiyakin na hindi ito kailanman mababawasan.

Non-taxable din ang PERA at hindi sasailalim sa anumang government-mandated deductions.

Paliwanag ng TUCP, ang PERA Bill ay hakbang para sa dagdag-sweldo ng mga government workers, cost-of-living support, economic relief, at pangmatagalang proteksyon sa tuwing tumataas ang presyo ng bilihin.

About The Author