![]()
Nanawagan ang Trade Union Congress of the Phils (TUCP) kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang HB No. 6740 o pag-abolish sa VAT on electricity.
Ayon kay TUCP Rep., Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, lalo na ngayong may Middle East conflict, dapat nang mawala ang 12% VAT sa kuryente.
Mismong ang ERC ang umano’y nagsabi na hindi mapipigilan ang pagtaas ng singil sa kuryente dahil sa pawang pagtaas sa int’l market ng coal, oil, at liquefied natural gas (LNG), bukod pa sa tight supply condition.
Saad pa ni Mendoza, sa nagdaang 24 long years mula nang isabatas ang EPIRA o RA 9136, hindi naman nito natupad ang pangakong “reliable at affordable electricity” sa bansa.
Masaklap pa nito, matapos ang apat na taon, inamyendahan ang National Internal Revenue Code at pinatawan ng 12% VAT ang elektrisidad, kabilang ang generation, transmission, at distribution.
Ang mas masaklap pa nito, pati system losses sa elektrisidad ay may VAT din na ipinapapasan sa consumers.
Dagdag pa ni Mendoza, dito lang aniya sa hakbanging ito nagkaisa ang labor at business, dahil suportado ng PCCI ang panukalang ito.
