dzme1530.ph

Tubig sa Laguna lake, bumababa ang kalidad —MWSS

Inihayag ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Deputy Administrator Jose Dorado Jr. na ang southern part ng Metro Manila, na sinusuplayan ng Laguna Lake, ay nagkakaroon ng mga isyu sa kanilang suplay ng tubig dahil sa problema sa kalidad nito.

Dagdag pa ni MWSS Division Manager Patrick Dizon, ang dumaraming lumot sa lawa ay bumabara sa water treatment facilities na nagsusuplay sa mga lungsod ng Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque, at Taguig.

Gayunman tiniyak ng ahensya na nakikipag-ugnayan na sila sa public utilities board ng Singapore, counterpart ng MWSS, upang magsagawa ng assessment sa planta ng Maynilad sa Putatan.

Kasalukuyan na rin aniya silang nagtatayo ng mga karagdagang water treatment plants sa Laguna Lake upang magkaroon ng iba pang pagkukunan ng potable water.

Matatandaang una nang nagbabala ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) laban sa pagtaas ng presensiya ng lumot sa naturang lawa dahil sa El niño phenomenon. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author