dzme1530.ph

TROPICAL STORM ‘NURI’ BINABANTAYAN PA RIN SA LABAS NG PAR

Loading

Magdadala ang Amihan ng maulap na kalangitan na may pag-ulan sa Luzon at Visayas habang trough ng Tropical Storm sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang makaaapekto sa eastern section ng Mindanao ngayong Huwebes.

 

Huling namataan ng PAGASA ang Tropical Storm Nuri, kaninang 2 a.m., 1,405 kilometers silangan ng Eastern Visayas, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugso na hanggang 80 kph habang kumikilos pasilangan hilagang-silangan sa bilis na 10 kph.

 

Samantala, makararanas ang Dinagat Islands at Surigao del Norte ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms dulot ng trough ng Tropical Storm.

 

Iiral naman sa Batanes at Babuyan Islands ang maulap na kalangitan dala ng Amihan.

 

Ang natitirang bahagi ng Cagayan Valley, Aurora, Apayao, at Kalinga ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan bunsod din ng Amihan.

 

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkulog at pagkidlat ang inaasahan sa natitirang bahagi ng Mindanao, Eastern Samar, Leyte, at Southern Leyte bunsod ng localized thunderstorms.

 

Maaobserbahan naman sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated light rains dahil sa Amihan.

 

Sumikat ang araw kaninang 6:06 ng umaga at lulubog ito mamayang 6:06 ng gabi.

About The Author