dzme1530.ph

Tropical depression Aghon, nagdulot ng power outage sa Eastern Samar

Patuloy ang pagbuhos ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas, partikular na sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa Eastern Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nagdulot ito ng power outage sa centermost area ng Eastern Samar.

Kung saan hindi naman nagkaroon ng outage sa hilaga at timog na bahagi ng nasabing lugar.

Sinabi naman ng electric cooperative ng rehiyon, magbabalik ang kuryente, alas-10 ng umaga.

About The Author