dzme1530.ph

TROPICAL DEPRESSION ADA, PATULOY NA LUMALAKAS; KLASE SA ILANG PAARALAN SA BANSA, SUSPENDIDO DAHIL SA SAMA NG PANAHON!

Loading

Patuloy na lumalakas ang Tropical Depression Ada na huling namataan sa layong 385 kilometers Silangang bahagi ng Northeast ng Hinatuan Surigao del Sur, taglay nito ang lakas ng hanging aabot hanggang 55-km/h malapit sa sentro, bugso ng hanging aabot ng 70km/h at ito’y kasalukuyang kumikilos pa-Northwestward sa bilis na 20km/h.

Nakaapekto rin sa bansa ang Northeast monsoon sa northern at Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, asahan ang mga pag-ulan at bugso ng hangin sa Eastern Samar, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Central Visayas, nalalabing bahagi ng Eastern Visayas, gayundin sa Caraga, Davao Oriental, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, Albay, Sorsogon, Masbate at Catanduanes, dahil sa bagyo.

Northeast monsoon naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Metro Manila, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng CALABARZON gayundin sa Cagayan Valley, Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Mararanasan din ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan at pagkidlat sa nalalabing bahagi ng bansa, dulot naman ng localized thunderstorms. 

Nananatili naman sa tropical cyclone wind signal no. 1 ang Sorsogon, at Timog-Silangang bahagi ng Albay.

Kabilang na rito ang Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Silangang Bahagi ng Biliran, gayundin sa Leyte at Silangang Bahagi ng Southern Leyte.

Signal no. 1 din sa bahagi ng Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur sa bahagi naman ng Mindanao.

Suspendido ngayong araw ng Huwebes, January 15, ang klase sa ilang paaralan sa bansa, bunsod ng epekto ng Tropical Depression Ada.

Suspensido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan hanggang bukas ng Biyernes, January 16, kabilang ang Sorsogon at Albay, gayundin sa Pio Duran na ililipat naman sa alternative learning modality sa Bicol Region.

Habang wala ng pasok sa lahat ng antas ngayon lamang araw sa Pagsanghan sa Samar.