dzme1530.ph

Tripartite agreement sa pagitan ng ERC, Iloilo City Gov. at More Power Corp., pormal nang nilagdaan

Pormal nang nilagdaan ang tripartite agreement sa pagitan ng Energy Regulatory Commission, Iloilo City Government at More Power Corporation na nagsusulong sa paggamit ng renewable energy resources.

Sa ilalim ng kasunduan, magtatayo ang More Power ng one-stop shop na nag-aalok ng renewable energy technologies gaya ng Net Metering at Distributed Energy Resources (DER).

Sa pamamagitan nito maaari nang mamili ang mga consumer ng gusto nilang source ng kuryente na magpapababa rin sa kanilang binabayarang konsumo.

Ang tripartite agreement ay bilang pagsuporta sa programa ng pamahalaan na bawasan ang greenhouse gas emission sa paraan ng renewable energy source.

Sinabi ni More Power President/CEO Roel Castro, 3 years na ang collaboration nila sa city government, at welcome ang pagpasok ng ERC sa inisyatibang ito na kauna-unahan sa buong Visayan region.

Ayon kay ERC Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta, sa pagpasok ng ERC sa kasunduan, sila ang magbibigay ng technical at regulatory expertise, pag-streamline ng documentary submission, installation, payment at permitting process ng Net-Metering at DER.

Ang Iloilo City ang ikalawa pa lamang sa pilot LGU partner sa Net-Metering at greater renewable energy program ng ERC. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author