![]()
Welcome para sa Malacañang ang isasagawang public consultation ng Department of Education sa panukalang gawing trimester system ang K-12.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na mas mabuting mapag-usapan ng lahat ng stakeholders ang panukala upang makabuo ng pinakamagandang programa.
Binigyang-diin ni castro na nakatutok ang pangulo sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon para sa mga estudyante.
Sa ilalim ng trimester system proposal, hahatiin sa tatlong termino ang school year at mabibigyan ang mga guro ng mas mahabang panahon ng pagtuturo para sa mas de-kalidad na leksyon.
Sa pamamagitan nito ay mababawasan ang workload ng mga guro.
