Ipinare-repaso ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga hakbang upang maibsan ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa Sectoral Meeting sa Malakayang, iniutos ng Pangulo ang pag-amyenda sa provision kaugnay ng requirements sa paglalabas ng Fuel Subsidy sa ilalim ng proposed 2024 National Budget.
Sinabi ni Department of Health (DOE) Secretary Raphael Lotilla na pinaiiklian sa isang buwan mula sa tatlong buwan ang triggering period ng Fuel Subsidy.
Ibig sabihin, mula sa requirement na 3 buwang magkakasunod na aabot sa 80 dollars per barrel ang Dubai Price ng krudo bago maipatupad ang fuel subsidy, gagawin na lamang itong isang buwan.
Bukod dito, pinasisimplehan rin ang requirements at guidelines sa pagbuo ng listahan ng mga benepisyaryo ng Fuel Subsidy.
—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News