dzme1530.ph

Trial calendar sa kaso ni VP Sara, dedepende sa desisyon ng impeachment court

Loading

Dedepende sa desisyon ng impeachment court ang bubuuin nilang calendar sa pagtalakay ng kaso laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ayon kay Senate President Francis Escudero bilang tugon sa inihaing resolusyon ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na nagsusulong na tapusin ang trial sa loob ng 19 na araw.

Sinabi ni Escudero na anuman ang magiging takbo ng pagtalakay ay pagdedesisyunan ng impeachment court kung saan maaari silang magbotohan o bumuo ng kasunduan.

Gayunman, nanindigan ang presiding officer ng impeachment court na magsisimula pa rin ang impeachment trial sa 20th Congress dahil kapos na ang panahon ng 19th Congress.

Aminado naman si Escudero na posibleng maging paksa rin ng debate ang pagtawid ng proceedings sa 20th Congress kaya’t pagdedesisyunan pa rin ito ng impeachment court.

Pero sa ngayon, malinaw ang paninindigan ni Escudero na anuman ang mangyari ay dapat magconvene ang impeachment court, bukas.

About The Author