dzme1530.ph

Treaty on Extradition, pirmado na ng mga bansang miyembro ng ASEAN

Loading

Nilagdaan na ng mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Treaty on Extradition.

Isa itong landmark agreement na lilikha ng magkakatulad na legal na balangkas para sa ekstradisyon sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Itinuturing itong mahalagang hakbang patungo sa mas matatag na regional cooperation sa paglaban sa krimen at matiyak ang accountability sa pagitan ng iba’t ibang bansa.

Pinirmahan ni Acting Justice Sec. Fredderick Vida ang tratado para sa Pilipinas sa isang seremonya sa Taguig City.

Sa ilalim ng naturang treaty, pinapayagan ang pagsuko ng isang pugante na naaresto sa isang bansa patungo sa requesting country, kung saan ito lilitisin o kailangan nitong pagsilbihan ang kaniyang sentensya.

About The Author