dzme1530.ph

TRAVEL TAX, PABIGAT LAMANG SA MGA PINOY, AYON SA ISANG SENADOR

Loading

MAITUTURING na economic burden o pabigat lamang at nagiging hadlang sa karapatang maglakbay ng mga taong may limitadong kakayanan ang travel tax.

 

Ito ang iginiit ni Senador Kiko Pangilinan sa gitna ng pagsusulong niya ng panukalang naglalayong i-abolish ang travel tax sa mga turistang Pinoy na lalabas ng bansa.

 

Sa Senate Bill 1863, iginiit ni Pangilinan na sa  pamamagitan ng pagpapababa ng gastusin  sa paglalakbay, inaasahang tataas  ang bilang ng mga pasahero, tataas ang kita sa transportasyon,  pagkain, mga serbisyo at sa kabuuan makakatulong sa pagsigla ng ating ekonomiya.

 

Ang pagtaas anya ng bilang ng Pinoy travellers ay nagpapalakas sa  people-to-people exchanges at makapagsusulong sa ating bansa bilang  competitive at accessible destination.

 

Sa kasalukuyan anya ang travel tax—na nagkakahalagang P2,700 para sa first-class na pasahero at P1,620 para sa economy class—ay dagdag gastos na nakakapekto sa abilidad ng mga Pilipino na maglakbay.

 

Iginiit pa ni Pangilinan na dapat maisama na sa budget ng Department of Tourism ang operasyon. Ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o’ TIEZA at hindi na umasa sa travel tax.

 

About The Author