Bumaba ng walong porsyento ang hinihiling na pondo para sa mga biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na taon.
Sa press briefing sa Malacañang, ininayag ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na sa ilalim ng proposed ₱6.352-trillion 2025 national budget, ₱1.054 billion ang alokasyon para sa travel expenses ng Office of the President.
Mas mababa ito ng 8% kumpara sa ₱1.14-billion na alokasyon ngayong taon.
Kaugnay dito, inaasahang mababawasan ang mga biyahe ng Pangulo sa loob at labas ng bansa sa susunod na taon.
Sa kabila nito, kampante ang DBM na makakamit pa rin ng Pangulo ang mga kina-kailangang engagements kabilang ang mga follow up sa mga nalikom na investments.