dzme1530.ph

Transport terminals, puspusan na ang paghahanda para sa Holy Week Exodus

Puspusan na ang paghahanda ng mga operator ng transport terminals para sa milyon-milyong Pilipino na dadagsa sa mga istasyon ng bus, mga pantalan, at airports para sa Holy Week break sa susunod na linggo.

Sa NAIA Terminal 3, umakyat na sa 6,000 ang mga pasahero, kahapon, at inaasahang lolobo pa ito ng 10 hanggang 15% sa Holy Week, na ang peak volumes ay sa Miyerkules Santo at Linggo ng Pagkabuhay.

Sa bahagi naman ng Philippine Ports Authority (PPA), sinabi ng general manager nito na si Jay Santiago na inaasahang papalo sa mahigit dalawang milyon ang bibiyahe sa pantalan, o mahigit 10% na mas mataas kumpara sa 1.8 million noong nakaraang taon.

Inihayag naman ng pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na inaasahang magsisimulang dumagsa ang bulto ng mga pasahero, bukas hanggang sa April 1.

Samantala, tiniyak ng Toll Regulatory Board na lahat ng kanilang lanes ay bukas sa mga motorista simula sa Palm Sunday, March 24 hanggang Easter Sunday, March 31.

About The Author