dzme1530.ph

TRANSPORT HOLIDAY, ILULUNSAD NG ACTO NGAYONG LUNES

Loading

Maglulunsad ng transport holiday ang Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO ngayong araw na.

 

Sa gitna ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo subalit ipinagpaliban ang taas sa singil sa pamasahe.

 

Ayon kay ACTO national president Libay De Luna, hindi na nila kaya ang sobrang taas ng presyo ng petrolyo kaya’t hindi muna babiyahe ang mga miyembro nila ngayong araw.

 

Layunin anya nito na maiparating kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hirap na hirap na sila sa sitwasyon.

 

Umaasa rin si De Luna na makatanggap na ng fuel subsidy ang kanilang mga miyembro kasabay ng apela na tulungan sila sa service contracts at magpatupad ng bank moratorium sa mga transport cooperatives na nahihirapang maghulog sa mga kinuha nilang modern jeepney units.

About The Author