dzme1530.ph

Transition sa pagbabalik sa Old School Calendar, nais paiikliin.

Hindi kumbinsido si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na kailangang magpatupad ng blended learning sa buong bansa sa gitna ng nararanasang matining init ng panahon.

Ayon kay Gatchalian, may Pros and Cons ang pagpapatupad ng blended learning bagama’t marami anya sa mga nakakakusap niyang magulang ang hindi pabor sa Distance learning.

Ang pananaw anya ng mga magulang ay mas epektibong natututo ang mga bata sa Face-to-face classes.

Subalit aminado siyang hindi na kinakaya ng mga estudyante at guro ang matiniding init ng panahon.

Kaya muling nanawagan si Gatchalian sa Department of Education na sa halip na apat hanggang limang taon ay iklian sa dalawang taon na lamang ang transition period para sa pagbabalik sa Old School Calendar.

Naninidigan si Gatchalian na an Old School calendar ang nababagay sa ating bansa dahil ito na ang ating kinasanayan at tiyak na mgiging bahagi na ng New normal ang painit na painit na temperatura sa panahon ng summer.

About The Author