Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Bagong Pilipinas Traffic Summit ngayong araw sa harap ng mabigat na problema ng traffic partikular sa Metro Manila.
Alas-8:30 ng umaga inaasahang darating ang Pangulo dito sa Filoil Ecocenter sa San Juan City para sa townhall meeting.
Sa nasabing programa, ilalatag ang mga hakbang sa pagtugon sa traffic situation sa NCR, sa pangunguna ng MMDA.
Magbahahagi rin ng kanya-kaniyang mga perspektibo tungkol sa traffic sina Transportation Sec. Jaime Bautista, DPWH Sec. Manny Bonoan, at gayundin sina NEDA Sec. Arsenio Balisacan, habang nandito na rin ang mga alkalde mula sa iba’t ibang Metro Manila cities.
Bukod dito, idaraos din ang isang open forum.
Una nang inanyayahan ng Pangulo ang publiko na makiisa sa Traffic Summit para sa paghanap ng mga paraan sa pag-resolba sa problema ng traffic.