Bumagsak ng 14.9% ang trade deficit ng bansa noong Abril kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, matapos malagpasan ng import bill ang export earnings ng $4.53-B.
Sa preliminary data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba rin ang two-way traffic of goods noong ika-4 na buwan ng 18.6% sa $14.3-B mula sa $17.6-B.
Noong nakaraang Abril ay bumulusok ang export receipts ng 20.2% sa $4.9-B mula sa $6.1-B na naitala noong April 2022 habang bumaba rin ang imports ng 17.7% sa $9.4-B mula sa $11.46-B. —sa panulat ni Lea Soriano