Ipinag-utos ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pansamantalang pagpahinto sa trabaho sa firearm manufacturing facility kasunod ng malagim na pagsabog.
Sinabi ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma na naglabas si DOLE-National Capital Region Director Sarah Mirasol ng Work Stoppage Order (WSO) sa isang unit ng pasilidad ng Armscor Global Defense Inc. upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang siyamnapung manggagawa habang ongoing ang imbestigasyon.
Inihayag ni Laguesma na apektado ng WSO ang Rimfire Department ng kumpanya, kasabay ng pagtiyak na makatatanggap ng assistance ang mga manggagawa.
Dalawa sa mga empleyado ng kumpanya ang nasawi habang isa ang nasugatan matapos sumabog ang isang kahon sa planta ng Armscor noong Lunes.