dzme1530.ph

Trabaho sa gov’t offices sa executive branch, suspensido simula alas-3 ng hapon sa Lunes para sa “Kainang Pamilya Mahalaga Day”

Sinuspinde ng Malakanyang ang trabaho sa mga tanggapan ng executive branch ng gobyerno simula alas-3:00 ng hapon sa Lunes, Setyembre a-25.

Sa Memorandum Circular no. 32, sinabing ito ay upang bigyang-daan ang government workers at kanilang mga pamilya na maipagdiwang ang “Kainang Pamilya Mahalaga Day” sa kani-kanilang mga tahanan.

Alinsunod ito sa Proclamation No. 60 na nag-deklara sa huling linggo ng Setyembre bilang Family Week.

Kaugnay dito, hinihikayat din ang lahat ng nasa executive branch na magpaabot ng buong suporta sa mga programa at aktibidad na may kaugnayan sa Family Week.

Hindi naman saklaw ng suspensyon ang mga ahensyang naghahatid ng basic and health services, at disaster and calamity response.

Hinihimok din ang iba pang sangay ng pamahalaan, independent commissions o bodies, at ang pribadong sektor na mag-suspinde ng trabaho bilang pakikiisa sa 31st National Family Week. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

Walang makuhang paglalarawan.

About The Author