Ikinakampanya ni Rizal 4th District Cong. Fidel Nograles sa mga kasamahang kongresista ang panukalang Trabaho Para sa Pilipino, na isasalang sa botohan sa susunod na linggo.
Si Nograles, chairman ng Committee on Labor and Employment ay naniniwala na kailangan ng i-institutionalize at palawakin ang National Employment Recovery Strategy (NERS) at pag-establish ng Job Creation Plan (JCP).
Ang House Bill 8400 o ang Trabaho Para sa Pilipino Act, ay layong lumikha ng Inter-Agency Council for Jobs and Investments na siyang mag-aanalisa sa employment situation at labor market upang makalikha ng medium-and long-term Job Creation Plan.
Ang council ay kapapalooban ng NEDA, DTI, DOLE, TESDA, DBM, DOF, DILG at kinatawan mula sa employers’ organization, labor groups, marginalized at informal sectors.
Tiwala si Nograles na crucial ang panukalang ito sa paglikha ng trabaho para sa Pilipino dahil hindi lamang ang 2.18-M unemployed Pinoy ang target nito kundi maging ang 15.68-M informal workers na naapektuhan din ang kabuhayan dahil sa nagdaang pandemic. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News