dzme1530.ph

TOTOONG PAGLALAANAN NG PERANG NAKOKOLEKTA SA TRAVEL TAX, AALAMIN NG HOUSE COMMITTEE ON TOURISM

Loading

Aalamin ng House Committee on Tourism ang totoong napag-lalaanan ng perang nakokolekta sa travel tax.

 

Ayon sa Vice Chairman ng Komite, Palawan Rep. Gil Acosta, napapanahon ang panukala ni House Majority Floor Leader Sandro Marcos para maglunsad ng congressional review sa travel tax.

 

Taun-taon, ang average travel tax collection ay naglalaro sa P4 to P5 billion, at ito ay napupunta sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA, at sa CHED.

 

Bumagsak ito sa nagdaang pandemic o 2020 hanggang 2023.

 

Sa gagawing review aalamin kung nagagamit ba ng tama ang pondo o nakapagbibigay ba ito ng meaningful improvements sa tourism sector.

Inihalimbawa ni Acosta ang Palawan na isa sa tourist destination subalit mabagal ang pag-improve ng mga imprastraktura na siyang kailangan para maabot ng probinsya ang full potential ng pagiging tourist hub.

About The Author