Tinawag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na “totally inappropriate” ang talumpati ni US Senate Majority Leader Chuck Schumer kung saan nanawagan ito ng halalan.
Sa kanyang speech sa senate floor, tinukoy ni Schumer na longtime supporter ng Israel at highest-ranking Jewish US elected official, si Netanyahu bilang hadlang sa kapayapaan.
Ang naturang talumpati ay repleksyon ng lumalalang pagkadismaya ng Washington kay Netanyahu, sa mga desisyon nito sa pakikidigma sa grupong Hamas, kabiguang protektahan ang mga Palestinong sibilyan, at mga akusasyon ng international relief agencies sa pagharang ng aid deliveries sa Gaza.