dzme1530.ph

TOP US COUNTERTERRORISM OFFICIAL, NAGRESIGN DAHIL SA IRAN WAR

Loading

Nagbitiw sa pwesto ang top counterterrorism official ni US President Donald Trump dahil sa gulo sa Iran, kasabay ng paghimok sa pangulo na baguhin ang hakbang nito.

 

Sa liham na ipinost sa X, sinabi ni National Counterterrorism Center Director Joe Kent, na walang imminent threat ang Iran sa US.

 

Aniya, sinimulan ng administrasyon ang digmaan bunsod ng pressure mula sa Israel at sa powerful lobby nito sa Estados Unidos.

 

Ibinasura naman ng White House ang sulat, sa pagsasabing mayroong “compelling evidence” na unang aatakehin ng Iran ang Amerika.

 

Sa Oval Office, inilarawan ni Trump si Kent bilang “nice guy” pero “weak on security.”

About The Author