Tiniyak ng United Nations Food Agency na mananatili ang top priority status at funding para sa flagship school meals at food voucher program ng Pilipinas.
Sa kabila ito ng mga alinlangang dulot ng desisyon ni US President Donald Trump na i-freeze o putulin ang ayuda ng Amerika sa buong mundo.
Ginawa ni World Food Program Regional Director for Asia and the Pacific Samir Wanmali, ang pagtiyak sa pulong nila ni Philippine Ambassador Neal Imperial sa sidelines ng first regular session ng WFP Executive.
Ginanap ang meeting sa WFP Headquarters sa Rome, kung saan Philippine envoy si Imperial.
Naniniwala si Wanmali na minimal lang at maaring punan ng ibang donors ang kakapusan, na resulta ng aid cutbacks ni Trump para sa programa ng WFP.