Pagmumultahin ng Toll Regulatory Board ang toll operators na hindi makatutugon sa itinakdang key performance indicators.
Ayon kay TRB Exec. Dir. Atty. Alvin Carullo, kabilang sa mga tutukuying kapalpakan ay ang mabagal na pagpasok ng credit load sa RFID ng mga motorista.
Sinabi ni Carullo na ang delay sa pagpasok ng RFID load ay nasa account management system ng toll service providers, at dapat itong ayusin upang ang pagpasok ng load ay magiging real time.
Kaugnay dito, ang mga lalabag ay mahaharap sa multang pinakamababa ay nasa ₱100,000 kada violation.
Kabilang sa toll operators na kasalukuyan nang nagpapatupad ng RFID system ay ang Metro Pacific Tollways Corp. para sa NLEX, SCTEX, Cavitex, C5 link flyover, NLEX Connector, at CALAEX, at SMC Tollways para sa Skyway, SLEX, NAIAX, STAR Tollway, MCX, at TPLEX. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News