Suspendido para sa buong buwan ng Hulyo ang pangongolekta ng toll fee sa CAVITEX.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inaprubahan na ng Toll Regulatory Board ang rekomendasyon ng Philippine Reclamation Authority na suspendihin ang toll fee, RFID man o cash, sa lahat ng bahagi ng CAVITEX simula July 1 hanggang 30.
Nagpasalamat ang Pangulo para sa agarang aksyon ng TRB na binubuo ng Dep’t of Transportation, Dep’t of Public Works and Highways, Dep’t of Finance, National Economic and Development Authority, at pribadong sektor.
Bukod dito, pinasalamatan din ang MVP Group of Companies para sa kanilang suporta.
Matatandaang una nang hinikayat ni Marcos ang TRB na ipatupad ang 30-day suspension ng toll fee sa CAVITEX.