dzme1530.ph

Tolentino sa LTO: Produksyon ng plaka ng sasakyan, pabilisin

Dapat ikunsidera ng Land Transportation Office (LTO) ang epekto ng pagdagsa ng OFW (Overseas Filipino Workers) remittances sa panahon ng kapaskuhan sa pagtaas ng bentahan ng mga sasakyan – at sa kakailanganing mga plaka para rito.

Ito ang payo ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino kay LTO Chief Vigor Mendoza sa gitna ng siyam na milyong license plates backlog ng ahensya.

Ipinaliwanag ng senador na hindi tulad ng four-wheeled vehicles na pinapalitan ng mga may-ari nito kada apat hanggang anim na taon, o higit pa, mas mabilis ang turnover ng motorcycle sales.

Kung kaya’t dapat aniyang asahan ang pagtaas ng bentahan ng mga sasakyan gayundin ang mas malaking pangangailangan para sa mga bagong plaka.

Nangako naman ang LTO na ikukunsidera ito ng ahensya sa pagresolba ng kanilang backlog sa pag-iisyu ng plaka, partikular sa mga motorsiklo.

Ayon kay Mendoza, kailangan ng LTO ng siyam na buwan para maisara ang backlog, dahil isang milyong plaka lang umano ang kayang iprodyus ng kanilang planta kada buwan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author