![]()
Humingi ng paumanhin ang Grab Philippines kay Xyriel Manabat kasunod ng malaswang komento ng kanilang driver sa young actress.
Sa statement, sinabi ng ride-hailing app na isinailalim na nila sa preventive suspension ang driver.
Nagpahayag din ng kahandaan ang kumpanya na makipagtulungan sa government agencies, matapos tiyakin ni Xyriel na kakasuhan niya ang TNVS driver na nambastos sa kanya.
Umalma ang fans matapos ibahagi ng account na may pangalang “Boss Toyo Mansi” sa social media ang selfie kasama ang aktres na may malaswang komento, partikular sa dibdib nito.
Binigyang-diin ng Grab na ang ginawa ng driver ay “grave violation at bannable offense” sa ilalim ng kanilang rules.
